Clean-up Drive, isinagawa sa Rizal, Nueva Ecija

Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Clean-up Drive katuwang ang mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Nueva Ecija PPO sa Barangay Macapsing, Rizal, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-20 ng Mayo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga Advocacy Support Groups na binubuo ng Kaligkasan Warrior, Women’s Sector at mga Barangay Officials ng nasabing lugar katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company, Nueva Ecija Police Provincial Office na pinangunahan ni Polocr Major Christopher L Baybayan, Force Commander.

Ito ay naglalayong itaguyod at magbigay kamalayan sa komunidad hinggil sa pagpapalakas ng mga kampanya sa paglilinis upang mapanatili ang kagandahan ng ating inang kalikasan.

Patuloy ang ating mga kapulisan at mga Advocacy Support Groups na magbigay serbisyong publiko sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng lipunan, kabilang ang pangangalaga ng kalinisan sa ating kapaligiran.

Panulat ni Digna Jane Tenorio Malubay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *