Coordination Meeting para sa Davao Oriental Bayanihan Initiative, isinagawa
Isinagawa na ang pagpupulong para sa pang-apat na pagpapanukala ng Davao Oriental Bayanihan Initiative nito lamang Mayo 23, taong kasalukuyan.
Ang naturang pagtitipon ay isinagawa sa Conference Room ng Capitol Building, Mati City, Davao Oriental kung saan ay naging usapan ang mga objectives, community outreach strategies, resource allocation at stakeholder engagement.
Kabilang sa mga dumalo ang kinatawan ng Davao Oriental Police Provincial Office sa katauhan ni Police Lieutenant Colonel Alan B Verginiza, Chief PCADU at ang kinatawan ng Philippine Army, Philippine Coast Guard at iba pa.
Layunin ng Bayanihan na ito na labanan ang kahirapan at panatilihin ang kapayapaan upang makamit ang mas masaya at maunlad na pamumuhay ng bawat isa.