Mag-aaral ng AECMIS, nakilahok sa Anti-Illegal Drugs Awareness Lecture
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Archbishop Emilio Cinense Memorial Integrated School sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Awareness lecture ng mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Pampanga Police Provincial Office sa Barangay San Felipe, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Huwebes, ika-23 ng Mayo 2024.
Matagumpay ang naging aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Michael B Masangkay, Force Commander, katuwang ang mga miyembro ng The Shining Light Evangelical Church sa pangunguna ni Ms. Emily Basilio, Head pastor.
Naging aktibo ang mga mag-aaral sa naging talakayan patungkol sa Anti-Illegal Drugs Awareness na may layuning mapataas ang kamalayan patungkol sa masamang epekto nito pati na rin ang pagsasanay sa mga mag-aaral kung paano makaiwas sa anumang uri ng tukso na may kinalaman sa droga.
Ito ay sumusuporta sa mga layunin ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na nakatuon sa pagpapaunlad ng kabataan at pagpapabuti ng kalidad na edukasyon, pagtutok sa moralidad, espiritwalidad at kaligtasan ng mga mag-aaral na magtaguyod ng isang makatao at progresibong lipunan.
Panulat ni Lixen Reyz A Saweran