Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Labason, Zamboanga Del Norte  

Matagumpay na isinagawa ng 2nd Zamboanga Del Norte Provincial Mobile Force Company ang isang Coastal Clean-up Drive kasama ang Labason Municipal Police Station, Barangay Officials at CYMPIL Parak Liloy at Labason Chapter na ginanap sa Barangay Bobongan, Labason, Zamboanga Del Norte noong Mayo 26, 2024. 

Sa pagtutulungan ng mga pulis, opisyales ng barangay at ng iba pang boluntaryo, ang aktibidad ay hindi lamang naglalayon na linisin ang paligid kundi pati na rin magbigay kamalayan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis at ligtas na kapaligiran.

Layunin ng nasabing aktibidad na hikayatin ang mga mamamayan na maging mas responsable sa pangangalaga sa kalinisan ng kanilang lugar upang mabawasan ang maaaring magdulot ng polusyon at mga sakit, sa gayon ay mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente.

Panulat ni Franco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *