LGU, nagsagawa ng Community Outreach Program sa Sultan Kudarat

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Lokal na Pamahalaan ng Palimbang na ginanap sa Barangay San Roque, Palimbang, Sultan Kudarat nito lamang ika-27 ng Mayo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga Barangay Officials ng Palimbang katuwang ang ating kapulisan ng Palimbang Municipal Police Station na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.

Humigit-kumulang 100 batang nasa Kinder ang nabigyan ng masusustansyang pagkain sa nasabing aktibidad.

Layunin ng programa na makatulong sa mga batang  higit na nangangailangan.

Ang mga ganitong aktibidad ay nagpakita ng malasakit sa ating mga kabataan at ito ay sumusuporta rin sa Bagong Pilipinas na naglalayong magdala ng pagbabago at kaunlaran sa bawat barangay sa pamamagitan ng iba’t ibang community activities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *