Community Outreach Program, matagumpay na naisagawa sa Zamboanga del Norte

Naisakatuparan ang isang community outreach program ng mga miyembro ng La Libertad Municipal Police Station sa Barangay Mauswagon, Zamboanga del Norte nito lamang Mayo 28, 2024.

Nakiisa sa nasabing aktibidad ang La Libertad MPS sa pamumuno ni Police William L Maisog, Acting Chief of Police, kaisa ang Local Government Unit ng La Libertad at iba pang Advocacy Support Groups at stakeholders.

Sa nasabing aktibidad, nagkaroon ng feeding program at librteng gupit para sa mga residente na labis naman nilang ikinatuwa ng mga benepisyaryo. 

Layunin ng aktibidad na maipamahagi ang tulong sa mga nangangailangang residente upang sila ay matulungan, makapagbigay ng karagdagang kaalaman at ng saya sa pamamagitan ng munting regalo at mahahalagang impormasyon. Ito ay nagpapakita ng pagpapatibay ng relasyon sa ating komunidad tungo sa mas ligtas, masaya at maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Pat Joyce M Franco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *