Women Sector Advocacy Support Group, nakilahok sa Livelihood Training Program

Nakilahok ang mga miyembro ng Women Sector Advocacy Support Group sa isinagawang Livelihood Training Program sa Barangay Bagtas, Tanza, Cavite nito lamang Mayo 30, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Tanza PNP na pinangunahan ni PCMS Annaliza P Flores, CPCAS, sa pangagasiwa ni PLtCol Willy B Salaza, hepe ng naturang istasyon.

Tampok sa aktibidad ang pagbibigay kaalaman sa paggawa ng liquid soap na kanilang tinawag na Livelihood Program “Powder Detergent Making”.

Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng kaalamang pangkabuhayan upang matulungan kumita sa sariling kasanayan sa paglikha ng kanilang natutunan sa aktibidad at tulungan silang maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay at makapag-umpisa ng kanilang sariling maliit na negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *