Zumba at Clean-up Drive, dinaluhan ng KKDAT sa Agusan del Sur

Dinaluhan ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Force Multipliers, PUPC, KABALIKAT CIVICOM 302 Inc., iba’t ibang Fraternities at Sororities, mga organisasyong pangkabataan, mga estudyante, at stakeholders ang isinagawang Zumba at Clean-Up Drive ng San Francisco MPS na isinagawa sa San Francisco, Agusan del Sur bandang 5:30 ng umaga ng Hunyo 1, 2024.

Ang mga kalahok ay nagtipon-tipon sa Municipal Ground ng San Francisco, Agusan del Sur upang simulan ang programa sa pamamagitan ng zumba.

Samantala, isinagawa ang clean-up drive sa pamamagitan ng Canal De-clogging bilang suporta sa Buwanang Regular na Clean-Up Drive ng LGU ng San Francisco.

Layunin ng programang ito na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at mapaunlad ang komunidad, sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *