Mangrove tree planting activity, matagumpay na isinagawa sa Misamis Occidental
Aabot sa 300 mangrove propagules ang matagumpay na naitanim sa tree planting activity sa Barangay Mobod, Oroquieta City, Misamis Occidental nitong ika-5 ng Hunyo 2024.
Nakiisa ang mga miyembro ng City Environmental and Natural Resources Office, Oroquieta City Police Station, Bureau of Jail and Penology, Philippine Coast Guard Oroquieta Sub-Station, 1st Provincial Mobile Force Company, Department of Environment and Natural Resources-MENRO, CENRO at mga estudyante ng Southern Capital College at University of Science and Technology Southern Philippines.
Bahagi ito ng pagpapayabong ng kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim kasama ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan, volunteers at force multipliers.
Hinihikayat naman ng awtoridad ang pamayanan na pangalagaan ang kalikasan at huwag magtapon ng basura sa karagatan upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakuna.
Panulat ni Edwin Baris