Mga miyembro ng 4Ps, nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive

Nagsagawa ng Coastal Clean-up ang mga miyembro ng 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program sa Barangay Sta. Clara, Lamitan City, Basilan nito lamang ika-5 ng Hunyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng 4Ps katuwang ang mga opisyales ng naturang Barangay sa pamumuno ni Hon. Rachel F Diaz katuwang ang 53rd Special Action Company ng PNP SAF sa pamumuno ni Police Major Ferick Jay Comafay, Company Commander ng Lamitan City Police Station, iba’t ibang Fraternal Organization.

Layunin ng aktibidad na ito na mapanatiling malinis at pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Coastal Clean-up Drive.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *