Mangrove Tree Planting Activity, isinagawa sa Lanao del Norte
Nagsagawa ng Mangrove Tree Planting Activity ang mga tauhan ng City Environmental and Natural Resources Office (CENRO) sa Esplanade, Barangay Santiago, Iligan City, Lanao del Norte nitong ika-8 ng Hunyo 2024.
Nakilahok din ang mga tauhan ng Lanao del Norte Maritime Police Station (MARPSTA) na pinamumunuan ni Police Captain Earl I Valconcha, Station Chief.
Tinatayang nasa 400 mangrove propagules ang natanim sa nasabing aktibidad na nagresulta ng matagumpay at mabilis na pagdaraos ng programa na naglalayong bawasan ang pagguho ng baybayin habang pinangangalagaan ang mga komunidad mula sa pagbaha at pagsuporta sa kanilang pamumuhay nang hindi nalalagay sa panganib ang mangrove forest.