KKDAT, nagbigay tulong sa Road Clearing sa Cebu

Aktibong nagbigay tulong ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa Road Clearing Operation sa Purok San Antonio De Padua, Barangay Banban, Bogo City, Cebu, bandang 08:00 ng umaga ng Hunyo 8, 2024.

Ang makabuluhang aktibidad ay pinangunahan ng 701st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 7, kasama ang mga opisyal ng Barangay, Barangay Health Worker, at KKDAT.

Sa bawat hakbang na isinasagawa ng mga kawani ng pamahalaan at lokal na komunidad upang mapanatiling malinis at maayos ang mga kalsada, mas nailalabas nila ang diwa ng serbisyo at pagkalinga sa kanilang mga mamamayan.

Sa pagpapatuloy ng mga ganitong mga hakbang, nagiging bahagi ang bawat isa ng mas maganda at maunlad na lipunan na may disiplina at pagmamalasakit sa kapwa.
Source: 701st MC, RMFB 7

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *