Mag-aaral mula sa Bula, GenSan, nakiisa sa Youth Development Session
Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral na napabilang sa 4Ps beneficiaries mula sa Bula, General Santos City sa isinagawang Youth Development Session ng mga tauhan ng Women and Children Protection Section na idinaos sa Barangay Bula, General Santos City nito lamang ika-7 ng Hunyo, 2024.
Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pangunguna ni Police Colonel Nicomedes P Oliver Jr., City Director ng General Santos City Police Office kasama ang mga guro.
Aktibo ang mga mag-aaral sa naging talakayan patungkol sa pagkalulong sa droga, Teenage Pregnancy Awareness, Anti-Bastos Law, Pornography Law at Cyber-Crime Law na may layuning mapataas ang kaalaman, kamalayan ng mga mag-aaral patungkol sa maging epekto ng droga at maagang pagbubuntis. Ito rin ang isang paraan para makaiwas sa anumang pambabastos at anumang krimeng dulot ng internet.
Alinsunod sa programa ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga kabataan ay kasabay din ng pagkakaroon ng kaalaman at kamalayan sa ating batas na magtagayod bilang isang makatao na indibidwal.
Panulat ni Bambam