Security Assistance hatid ng BPATs katuwang ang Bacuag PNP

Mas pinaigting na security assistance ang hatid ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) katuwang ang mga tauhan ng Bacuag Municipal Police Station na idinaos sa Barangay Campo, Bacuag, Surigao del Norte bandang 7:00 ng umaga nito lamang Hunyo 8, 2024.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng community engagement na naglalayong ipakita ang tapat at matatag na presensya ng pulisya at BPATs sa komunidad.

Sa pagtatapos ng aktibidad, nagkaroon ng maikling talakayan at pagbibigay ng mga paalala ukol sa mga simpleng hakbang upang makaiwas sa krimen at naglalayon na palakasin ang mga hakbang para sa seguridad at kaayusan ng ating pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *