Advocacy Support Group, nakilahok sa Tree Planting Activity

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang tree planting activity sa Sitio Cotcot, Barangay Mabini, Cadiz City, Negros Occidental nito lamang ika-14 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) PRO 6 Team na dinaluhan ng Barangay Kagawad, at mga kinatawan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Matagumpay na nakapagtanim ang mga kalahok sa naturang lugar upang pangalagaan ang kalikasan at palakasin ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno.

Ang mga ganitong aktibidad ng grupo katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno ay hindi lamang naglalayong magbigay ng positibong epekto sa kapaligiran kundi nagbubuklod din sa komunidad tungo sa isang mas maunlad at luntiang kinabukasan.

Source: RPSB Mabini, Cadiz City, Negros Occidental

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *