Maasim LGU, nagsagawa ng Tree Planting Activity

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Maasim Local Government Unit na idinaos sa Barangay Colon, Maasim, Sarangani Province nito lamang Biyernes, ika-14 ng Hunyo 2024.

Aktibo ring nakiisa sa naturang aktibidad ang Maasim MENRO sa pamumuno ni Alejandra G Sison at mga opisyales ng barangay sa pamumuno ni Honey Mark Joseph C Paquio, Punong Barangay, BPATs, KKDAT at mga kasapi ng Women’s Advocacy Group.

Nagbigay din ng suporta ang mga tauhan ng Maasim Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Herman J Luna, Chief of Police.

Mahigit 200 puno ng bamboo seedlings at 300 na mga iba’t ibang puno na namumunga ang naitanim sa naturang aktibidad.

Bilang suporta sa “One million Trees Project Reforestation and Development Plan”, ang Lokal na Pamahalaan ng Maasim ay nagtulong-tulong para sa proyekto ng ating pamahalaan.

Layunin ng pagtatanim ng mga puno na mapanatiling malinis at berde ang ating kapaligiran para maiwasan natin ang iba’t ibang polusyon na nakakasira ng ating kalikasan at mapangalagaan natin ang wildlife.

Ang ating lokal na pamahalaan, mga advocacy group at PNP ay nagpapakita ng pagkakaisa para sa ikabubuti ng ating kapaligiran. Ang pagtatanim ng isang puno bawat isa sa atin ay makakalutas sa climate change.

Panulat ni Bambam

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *