Advocacy Support Group at Force Multipliers, nakiisa sa Feeding Program sa Glan, Sarangani Province

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers sa isinagawang feeding program ng mga tauhan ng Sarangani Maritime Police sa Barangay Taluya Extension, Glan, Sarangani Province nito lamang ika-19 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Glan Maritime Police Station, Multi-Purpose Coop, Saviors of the Sea.

Mahigit 95 na mga kabataang may edad na 2 hanggang 12 anyos ang benepisyaryo ng libreng pagkain na ipinagkaloob sa nasabing pagtitipon.

Layunin ng programa na matugunan ang pangangailangan ng mga kabataan sa sapat na nutrisyon, naglalayong mapabuti ang kanilang kalusugan at kabuuang kapakanan.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng feeding program ay nagpapakita ng patuloy na paglago ng serbisyo publiko sa hangarin na makamit ang isang mas malakas at mas masiglang komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *