BIDA Bola Kontra Droga, Kriminalidad, at Terorismo nilahukan ng KKDAT at Brgy-Based Support Group
Masayang nilahukan ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) at Barangay-Based Support Group ang isang Basketball Friendly Game na alinsunod sa BIDA Bola Kontra Droga, Kriminalidad, at Terorismo sa Mauling Area 1, Purok 60, Lower Bicutan, Taguig City nito lamang Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2024.
Ito ay naisagawa sa pamamagitan ng The Rotary Club Makati Poblacion, sa pangunguna ni Dr. Morena Mong S. Cañizares, BAGPTD Chairperson katuwang ang mga tauhan ng 1st Mobile Force Company ng RMFB-NCRPO.
Naglalayon itong isulong ang mga magagandang epekto ng sports bilang mga positibong alternatibo sa paggamit ng droga.
Sa pamamagitan ng pagsali ng mga kabataan sa sports, ito ay magtataglay ng mahalagang kasanayan sa buhay tulad ng pagtulungan at pagkaroon ng magandang pag-uugali para sa isang progresibong komunidad.