BPATs at BLGU, nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive

Matagumpay na isinagawa ang coastal clean-up drive ng mga Barangay Peacekeeping Action Teams at Barangay Local Government Unit ng Barangay Pura, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Sur nito lamang ika-19 ng Hunyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay naging inisyatibo ng BPATs at BLGU at boluntaryong nakiisa ang mga residente at mga personahe ng Maguindanao del Sur PNP.

Layunin ng aktibidad na mapangalagaan ang ating kapaligiran at maiwasan ang anumang uri ng sakit dulot ng maruming pamayanan.

Patunay lamang na ang mamamayan at Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay patuloy na magsasagawa ng aktibidad upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *