BPATs, sumailalim sa Security Guard Training Seminar sa San Clemente, Tarlac

Sumailalim sa Security Guard Training Seminar ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) mula sa San Clemente, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-18 ng Hunyo 2024.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ford B Sudaypan, Force Commander.

Tinuruan ng iba’t ibang arresting at handcuffing techniques ang BPATs upang magamit sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng pulisya at BPATs lalo na sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *