River Clean-up Drive, isinagawa sa Davao Occidental

Nagsagawa ng River Clean-up Drive ang San Miguel Global Power nito lamang ika-20 ng Hunyo, 2024 sa Culaman River, Malita, Davao Occidental.

Ang lahat ng imbitadong kalahok ay nagkaisa at nagtrabaho nang sama-sama upang linisin ang ilog sa nasabing barangay sa pamamagitan ng pagkolekta ng iba’t ibang uri ng basura na sanhi ng sakit at maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga residente.

Dagdag pa, ito rin ay magpapalakas sa determinasyon na suportahan ang Adopt-an-Estero/Water Body Program ng DENR-EMB XI kasama ang LGU MENRO at BLGU-Poblacion.

Aktibo namang nakilahok ang mga tauhan ng Davao Occidental Police Provincial Office kasama ang Malita Municipal Police Station.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mga Core Values ng PNP na “Makakalikasan” na nagnanais na protektahan ang ating mga likas na yaman.

Ito rin ay magpapataas ng kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagkakaisa at pananagutan sa lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *