Security Personnel ng Park Inn Hotel, sumailalim sa pagsasanay

Sumailalim sa pagsasanay ang mga Security Personnel ng Park Inn Hotel sa Clark Free Port Mabalacat City, Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-19 ng Hunyo 2024.

Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Mabalacat City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Efren N David Jr., Chief of Police.

Itinuro sa aktibidad ang iba’t ibang paksa tulad ng Force Continuum, Rules on the Use of Body Worn Camera, Arresting and Handcuffing Techniques kung saan nagkaroon ng demonstrasyon at pagsasanay sa tamang pamamaraan ng pag-aresto.

Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang katuwang ng PNP sa mga tuntunin ng pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at pag-iwas sa krimen sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *