Clean-up Drive, isinagawa ng Woman Advocacy Group sa Sulu
Nagsagawa ng Clean-up drive ang Woman Advocacy Group sa Barangay Dungon, Banguingui, Sulu nito lamang ika-22 ng Hunyo 2024.
Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad dahil sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Philippine Army 101 11 Infantry Battalion Charlie Company at mga personahe ng Banguingui Municipal Police Station na pinangunahan ni Police Lieutenant John Vincent Dela Cruz Loneza, Officer-In-Charge.
Ang aktibidad ay naglalayong maprotektahan ang ating kapaligiran sa anumang uri ng polusyon at mapanatili ang likas nitong kagandahan.
Ang pakikiisa ng PNP sa mga aktibidad ay upang palakasin ang positibong ugnayan sa komunidad at hikayatin ang mga lokal na maging aktibo bilang mabuting mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan at wastong pamamahala ng kapaligiran.