Clean-up Drive, isinagawa sa Dipaculao, Aurora

Isinagawa ng PNP at nakiisa ang mga Barangay Officials at Advocy Support Group sa Barangay Diarabasin, Dipaculao, Aurora sa Clean-up Drive nito lamang Linggo, ika- 22 ng Hunyo 2024.

Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Cielo L Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company.

Ang aktibidad na isinagawa ng Aurora PNP ay isang halimbawa ng positibong hakbang tungo sa pagpapalakas ng ugnayan at pagkakaisa sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.

Ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng lipunan, kabilang na ang pangangalaga sa kalinisan at kaligtasan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *