KKDAT-Trento Chapter, nakiisa sa Tree Planting at Information Drive

Nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Trento-Chapter, BLGU at MENRO sa isinagawang Tree Planting Activity at Information Drive ng mga personahe ng Trento Municipal Police Station sa Barangay Poblacion, Trento, Agusan del Sur nito lamang Hunyo 23, 2024 bandang 6:15 ng umaga.

Nagkaroon din ng dayalogo tungkol sa Kahandaan sa Sakuna, mga tip sa pag-iwas sa krimen, RA 9262 laban sa Karahasan sa Kababaihan at Kanilang mga Anak (VAWC), Safe Spaces Act 11313, RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at E.O.70, RTF-ELCAC, Anti-Terrorism Act of 2020, BIDA/KASIMBAYANAN Program.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng hangin at masiguro ang sapat na suplay ng tubig sa mga darating na panahon.

Ang aktibidad ay nagpakita ng malasakit at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang masiguro ang isang ligtas at maunlad na komunidad.-

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *