Operation Tuli at Feeding Program, isinagawa sa Marinduque

Nagsagawa ng Operation Tuli at Feeding Program ang grupong Luzon Datum Morion Matikas Eagles Club sa Barangay Marketsite, Mogpog, Marinduque noong Hunyo 25, 2024

Nakiisa din sa aktibidad ang mga tauhan ng Marinduque PMFC sa pangunguna ni PSSg Fred Adrian A Velasco, Team Leader kasama ang Alpha Phi Omega, mga opisyales ng Barangay at Philippine Army.

Sa pamamagitan ng grupo ay nakapagpaabot sila ng Libreng tuli sa mga kabataan ng nasabing grupo at kasunod nito ay ang feeding activity sa mga kalahok at residente ng lugar.

Nais ng aktibidad na ito na maipadama sa mga kababayan natin ang malasakit ng ating gobyerno at ipakita ang pagbabago sa ating Bagong Pilipinas.

Source: Marinduque PMFP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *