Force Multipliers, nakiisa sa Community Outreach Program sa Taguig City

Nakiisa ang mga force multipliers sa isinagawang community outreach program sa Purok 8 Barangay Bagong Tanyag, Taguig City nito lamang Lunes, Hunyo 1, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mr. Louie Sacil, President ng PPMFI, kasama ang Patrol Kabataan-ASG at 7th Mobile Force Company ng RMFB-NCRPO.

Nagkaroon din ng maikling lecture patungkol sa Executive Order No. 70 (EO 70) at End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Itinampok din dito ang livelihood seminar, kung saan ang mga kalahok ay binigyan ng mga kasanayan at kaalaman upang mapabuti ang mga oportunidad sa pagnenegosyo sa paglago ng ating ekonomiya.

Layunin ng inisyatibong ito na magsilbing daan upang magdala ng kagalakan at iangat ang diwa ng pagtutulungan, itaas ang kamalayan sa lipunan, at lumikha ng mas maayos na relasyon sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *