KKDAT Cabadbaran Chapter, nakiisa sa Information Drive

Nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Cabadbaran Chapter sa information drive na ginanap sa Sitio Maong, Barangay La-Union, Cabadbaran City, Agusan del Norte nito lamang Hunyo 30, 2024.

Ang nasabing aktibidad ay naging matagumpay dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Purok sa pangunguna ni G. Julius Moral, Purok President ng Sitio Maong, Barangay La-Union.

Sa nasabing kampanya, tinalakay ang iba’t ibang aspeto ng problema, kabilang na ang mga sanhi ng pagpasok ng mga kabataan sa gang, mga epekto nito sa kanilang buhay at sa komunidad, at mga paraan upang mailayo ang mga kabataan sa ganitong uri ng aktibidad.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na programa ng pulisya at ng KKDAT na naglalayong palakasin ang ugnayan ng komunidad at ng mga awtoridad upang sama-samang labanan ang krimen at mapanatili ang isang ligtas na kapaligiran para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *