Lamitan City ENRO, nakiisa sa Tree Planting Activity
Nakiisa sa isinagawang tree planting activity ang Lamitan City Environment and Natural Resources Office na idinaos sa Barangay Sengal, Lamitan City, Basilan nito lamang ika-30 ng Hunyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Basih-Balan Coast Guard Station katuwang ang 1st Field Artillery Battalion, Philippine Army, at 3rd Regional Mobile Force Battalion PRO BAR.
Ang aktibidad ay isang paraan para maprotektahan ang kalikasan dahil sa patuloy na climate change at para labanan ang global warming.
Ang mga itinanim na mahogany trees ay inaasahang makakatulong sa pagbuhay ng isang luntiang kapaligiran para sa susunod na henerasyon.
Gayundin, upang mas mapagtibay ang relasyon sa pagitan ng Philippine National Police at iba pang ahensya ng gobyerno tungo sa mas maayos at maunlad na pamayanan.