2nd Quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, idinaos sa Zamboanga City
Idinaos ang 2nd Quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa mga establisimiyento sa lungsod ng Zamboanga City nito lamang Hulyo 1, 2024.
Kabilang sa mga nakiisa ang SM City Mindpro, kung saan inilunsad ng naturang mall ang full information drive upang itaas ang kamalayan ng mga nakilahok sa aktibidad patungkol sa nasabing drill.
Malaking tulong naman ang Emergency Response Group at security group ng naturang mall upang gabayan ang mga empleyado, tenants, agency personnel, at mga mamimili patungo sa evacuation area ng nasabing mall kung saan nakaantabay ang mga medical personnel.
Ang pagiging handa sa anumang uri ng sakuna at resiliency ay isa sa mga aspeto na binibigyang halaga sa mga operasyon ng SM mula sa management nito pababa sa mga empleyado at frontliners ng naturang mall.