4Ps, nakilahok sa Awareness Lecture ng Tarlac PNP
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o ang 4Ps sa isinagawang awareness lecture kaugnay sa 29th Police Community Relations Month Celebration ng Mayantoc PNP na ginanap sa Barangay Bigbiga, Mayantoc, Tarlac nito lamang Martes, ika-2 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Mayantoc Municipal Police Station sa pangunguna ni PEMS Marilou R Teofilo, MESPO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Randie P Niegos, Chief of Police, na aktibong nilahukan ng mga miyembro ng 4Ps at residente ng nasabing barangay.
Tinalakay at itinuro sa naturang aktibidad ang Project BE CAREFUL (Barangay Empowerment on Child Abuse Resistance and Elimination Fight Against Unwanted Lewd Design), RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children at RA 8353 o Anti-Rape Law, Anti Bastos Law o ang RA 11313 Safe Spaces Act upang maging handa sa anumang krimen na magaganap sa kanilang nasasakupan.
Layunin nitong makapagbahagi ng kaalaman sa mga 4Ps at mga residente tungkol sa mga batas, mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen, droga at insurhensiya bilang pagtugon sa mga programa ng kasalukuyang administrasyon na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.