5 Araw na Pagsasanay para sa mga Community Based First Responders, isinagawa
Pinamumunuan ni Ms. Annabelle Lugo at ng kanyang koponan sa CSWDO-Social Welfare Operations Division (SWOD), ang limang araw na Pagsasanay para sa mga Community Based First Responders na sinimulan nito lamang Hulyo 3, 2024 sa Distrito ng Baguio sa Lungsod ng Davao.
Ang unang araw ay binuo ng introduksyon; ang ikalawang araw ay nakatakda para sa Disaster Preparedness and Radio Handling; ang ikatlong araw ay para sa Standard Basic Life Support Training; ang ika-apat na araw ay para sa Fire Prevention and Different Kinds of Lifting at ang huling araw ay para sa Simulation Drill at Graduation Ceremony.
Ang aktibidad na ito ay matagumpay na isinagawa kasama ang koordinasyon ng CDRRMO, mga Barangay Councils sa Baguio District, at CSWDO Baguio District direct service implementers (DSI) kasama ang kanilang district head (CSWDO-PIRCS).
Aktibo naman dumalo sa naturang aktibidad ang walong barangay mula sa Baguio District.
Layunin ng nasabing pagsasanay na gawing handa ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa epektibong pagresponde sa mga emergency at sakuna na maaaring mangyari sa loob ng komunidad.