Bloodletting Activity, isinagawa sa Maguindano del Norte
Matagumpay na naisakatuparan ang isinagawang Bloodletting Activity sa Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang araw ng Huwebes ika-4 ng Hulyo 2024.
Nakiisa rin sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Philippine Red Cross-Cotabato City Chapter na pinamunuan ni Rosemelyn U Gayong, Administrator, PRC Cotabato Chapter katuwang ang mga personahe ng PRO BAR.
Dumaan sa iba’t ibang proseso ang mga volunteers upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Ang naturang aktibidad ay may temang “One Time Dugtong Buhay”. Ang kolektibong pagsisikap na ito ay naglalayong magbigay ng makabuluhang kontribusyon sa kapakanan ng komunidad at nagpapalakas ng kahalagahan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo upang makatulong sa mga taong lubos na nangangailangan at mabigyang lunas ang kanilang mga karamdaman.
Ito ay pagbibigay malasakit sa mga mamamayan upang iparamdam ang pagmamahal ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan katuwang ang mga kapulisan para sa umaangat na bansa tungo sa pagbabago at makamit ang isang maunlad na bagong Pilipinas.