Coastal Clean-up Drive at Tree Planting, isinagawa sa Zamboanga Sibugay
Nagsagawa ng clean-up drive program ang SALAAM Advocacy Support Groups sa Sitio Tubo-tubo, Barangay Linguisan, Tungawan, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-3 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng SALAAM Advocacy Support Groups, katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Flint S Depnag, ay matagumpay sa pagsasagawa ng Clean-up Drive Program.
Layunin ng nasabing aktibidad na hikayatin ang mga mamamayan na maging mas responsable sa pangangalaga sa kalinisan ng kanilang lugar upang mabawasan ang maaaring pagdulot ng polusyon at mga sakit, sa gayon ay mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente.
Patunay lamang na ang mamamayan at Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay patuloy na magsasagawa ng mga ganitong uri ng aktibidad upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.