KKDAT-Kabayan Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Kabayan Chapter sa isinagawang tree planting sa Kabayan, Benguet nito lamang ika-2 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Kabayan Municipal Police Station katuwang ang mga tauhan ng BFP Kabayan, mga emplayado ng LGU Kabayan, miyembro ng Municipal Tourism, at Kabataan Kontra Droga At Terorismo Chapter-Kabayan.

Umaabot ng mahigit 300 na punla ng punongkahoy ang naitanim sa kapaligiran ng nasabing bayan.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga mag-aaral at kabataan na makiisa sa pangangalaga ng kalikasan at magbigay ng kontribusyon sa pagpapanumbalik ng ating ecosystem.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *