Rotary Club of Melting Pot Tarlac, nakiisa sa Programang Pangkomunidad kaugnay sa Pagdiriwang ng PCR Month
Nakiisa ang Rotary Club of Melting Pot Tarlac sa isinagawang programang pangkomunidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga food packs, mga uniporme at kagamitan ng Barangay Tanod sa Sitio Pisapungan, Barangay Sula, San Jose, Tarlac nito lamang Lunes, ika-3 ng Hulyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay sa ilalim ng pamamahala ni Police Major Bryan Christopher L Baybayan, Officer-In-Charge ng Tarlac 1st Provincial Mobile Force Company, sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Melting Pot Tarlac sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Miclat.
Bukod pa rito, nagsagawa rin ng feeding program upang matugunan ang agarang pangangailangan sa nutrisyon ng komunidad, kasunod ng isang tree planting activity.
Layunin ng programa na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad at magbigay ng mahalagang serbisyo sa mga residente ng naturang lungsod.