Community Outreach Program, isinagawa sa MisOr

Nakiisa ang Leupapo Inc. sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Luyong Bonbon, Opol, Misamis Oriental nito lamang ika-7 ng Hulyo 2024.

Aktibo ring nakilahok ang Misamis Oriental PNP at Regional Maritime Unit 10 na nagbigay seguridad sa aktibidad.

Mahigit 80 benepisyaryo ang nabigyan ng serbisyo tulad ng libreng food packs.

Ang aktibidad ay nagpapakita ng pagkakaisa ng iba’t ibang stakeholders at Advocacy Support Groups upang matulungan ang mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *