KKDAT, nakilahok sa BIDA Program sa Negros Oriental
Masayang nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa programa na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) na ginanap sa Judge Restituto V. Tuanda Sports and Cultural Center, Barangay South Poblacion, Jimalalud, Negros Oriental noong ika-8 ng Hulyo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Jimalalud Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Cecile J Mingay, Officer In Charge.
Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman at magpatibay ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa mga negatibong epekto ng droga at kung paano ito maiiwasan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan. Sa tulong ng mga programa tulad ng BIDA, inaasahan na mas marami pang kabataan ang mamumuhay na malayo sa impluwensya ng droga.
Source: Jimalalud MPS