LGU Caravan, isinagawa sa bayan ng Roxas
Isang matagumpay na LGU CARAVAN ang naisagawa Roxas LGU at ibang ahensya ng gobyerno kaugnay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Municipal Mayor Dennis M. Sabando na ginanap sa Barangay II, Roxas, Palawan nito lamag Hunyo 7, 2024.
Naiparating sa mga residente ang mga serbisyo gaya ng libreng gupit sa 80 na mga residente at libreng tuli sa 55 na kabataang lalaki na pinangasiwaan ng mga kapulisan ng 2nd Palawan PMFC at Marine Battalion Landing Team-3. Dental Check-up at Tooth Extraction naman ang serbisyong hatid ng Palawan Provincial Medical and Dental Team, PNP Health Service sa 45 na mga residente.
Pinangasiwaan naman ng Rural Health Unit ng Roxas sa pangunguna ni Municipal Health Officer, Dra. Dominique G. Parreño ang libreng konsultasyon, pamamahagi ng gamot, Blood Typing, Blood Smear (Malaria) at iba pang serbisyo mula sa MCR-Civil Documents Concerns, PDAO Concerns, Phil health registration, SSS at National ID mula sa PSA.
Namahagi naman ang Municipal Agriculture Office ng mga iba’t ibang uri ng buto ng gulay, fruit bearing tress seedlings at bakuna para sa mga alagang aso at pusa.
Nagkaraoon din ng Job Fair para sa mga mamamayan ng Bayan ng Roxas na naghahanap ng trabaho kung saan aktibong nakiisa ang mga business sectors sa nasabing Bayan.
Hangarin ng programa na mailapit ang mga pangunahing serbisyo publiko sa mga mamamayan ng libre lalo na sa malalayong purok at barangay. Sa pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, private at business sectors, lalong napapalawak at napapadali ang pagpapaabot ng tulong sa ating komunidad.
Source: 2nd Palawan PMFC