Talakayan at Free Medical Mission, isinagawa sa Batangas City
Nagsagawa ng free medical check-up at talakayan para sa mga napiling benepisyaryo ng Talahib Batangas na ginanap sa Barangay Talahib Pandayan, Batangas City nito lamang ika-7 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ng RCADD 4A, PCADD Batangas at LGU ng Barangay Talahib Pandayan ang naturang aktibidad na malugod na dinaluhan ng 70 napiling benepisyaryo ng naturang barangay.
Nagkaroon ng talakayan patungkol sa EO-70 (ELCAC) , pagkatapos ay ang pagbigay ng libreng serbisyong medikal tulad ng libreng pagkuha ng blood pressure, libreng kosultasyon, libreng gamot at binigyan din ng gift packs at konting food packs na lubos na pinasalamatan ng mga benepisyaryo.
Layunin ng aktibidad na matugunan ang mga isyu sa kalusugan ng mga indibidwal at unahin ang mga miyembro ng lipunan na lubos na nangangailangan.
Upang tumulong at matugunan ang mga pangangailangang medikal ng ating mga mamamayan, patuloy na magbibigay ang iba’t ibang ahensya ng gonyerno para sa mahusay na serbisyo.