BPATs Apatan, lumahok sa 2-Day Seminar
Lumahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams Apatan Chapter sa isinagawang dalawang araw na seminar sa Barangay Hall ng Apatan, Pinukpuk, Kalinga nito lamang ika-12-13 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Pinukpuk Municipal Police Station katuwang ang mga tauhan ng Provincial Police Community Affairs and Development Unit ng Kalinga PNP at Lokal na Pamahalaan ng Apatan.
Iba’t ibang paksa ang tinalakay sa nasabing aktibidad kabilang ang Tungkulin at Gampanin ng BPATs, Arrest Techniques, Basic First Aid, Traffic Management, Anti-Illegal Drug Awareness, at Violence Against Women and Their Children (RA 9262).
Bukod pa rito, namahagi din ang kapulisan ng mga babasahin hinggil sa mga paksang tinalakay upang magsilbing paalala at gabay sa pagbibigay serbisyo bilang isang force multipliers.
Samantala, higit namang tumaas ang kumpiyansa ng mga miyembro ng BPATs na sumailalim sa nasabing seminar dahil sa mahahalang kaalaman na kanilang natutunan na magagamit sa kanilang pagbibigay ng serbisyo publiko sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.