Food packs ipinamahagi sa Lanao del Sur

Namahagi ng food packs ang mga tauhan ng Local Government Unit Pagalungan sa mga residenteng nasalanta ng bagyo sa Pagalungan, Lanao del Sur noong ika-14 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ni Pagalungan Town Mayor Salik Mamasabulod at Vice Mayor Abdilah Mamasabulod, ang naturang aktibidad katuwang ang barangay volunteers at mga miyembro ng Pagalungan Municipal Police Station.

Sa ngayon, nasa 12 na barangay ng naturang lugar ang nabigyan ng tulong at tuloy-tuloy pa rin ang pag-iikot ng alkalde upang masigurong mabigyan lahat ng ayuda ang mga residenteng naapektuhan ng bagyo.

Patuloy na magkakaisa ang PNP at ibang ahensya ng pamahalaan upang makapaghatid ng tulong sa mga residenteng lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *