KKDAT Besao Chapter, nagsagawa ng Tree Planting Activity

Nagsagawa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Besao Chapter sa Tree Planting Activity sa kabundukan ng Ladladegan sa Besao, Mountain Province noong ika- 13 ng Hulyo 2024.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Besao Municipal Police Station at volunteers.

Matagumpay na nakapagtanim ang mga grupo ng 80 piraso ng Benguet pine trees.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong itaas ang kamalayan ng lahat at bigyan ang grupo ng kapangyarihan na tumulong sa pag-aalaga ng kapaligiran.

Ito rin ay upang bigyang pansin ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno na nakakatulong sa pagliit ng epekto ng pagbabago ng klima at nakatutulong sa pagprotekta sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *