BPATs, nakiisa sa Night Patrolling sa Bislig City

Nakiisa ang Barangay Peace-keeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Night Patrolling ng mga tauhan ng Bislig City Police Station upang maiwasan ang paglitaw ng kriminalidad at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa Barangay San Isidro, Bislig City, Surigao del Sur noong Hulyo 22, 2024 bandang 10:47 ng gabi.

Nagdudulot ng kapanatagan sa mga mamamayan at naging hadlang sa mga masamang loob na nagbabalak gumawa ng krimen ang patuloy na pagpapatrolya ng mga pulisya at BPATS sa mga lansangan.

Dahil dito patuloy na magpapatupad ng mga hakbang upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa lungsod ang mga kapulisan at BPATs.

Ang kanilang dedikasyon sa tungkulin at pagmamalasakit sa komunidad ay patunay ng kanilang sinseridad sa paglilingkod sa bayan.

Layunin ng operasyon na maiwasan ang paglitaw ng iba’t ibang anyo ng kriminalidad at matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa naturang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *