KKDAT, nagsagawa ng Youth Leadership Camp sa Samar
Nagsagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng Youth Leadership Camp na ginanap sa Municipal Covered Court, Barangay Libertad, Pagsanghan, Samar nito lamang ika-25 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Konta Droga at Terorismo (KKDAT) na pinangunahan ng Local Government Unit of Pagsanghan sa pamamagitan ng Local Youth Development Office sa pamumuno ni Municipal Mayor Sed Hendrix C. Tan kasama ang mga tauhan ng Pagsanghan Municipal Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt Lindsey T Ynalbis, Officer-In-Charge.
Isinagawa ang talakayan hinggil sa KKDAT Orientation, mga batas ukol sa Anti-Illegal Drugs Awareness, Anti-Terrorism Awareness, at Online Sexual Abuse and Exploitation of Children.
Layunin nito na mahubog ang kakayahan at talento ng mga kabataan upang mas lalo silang magkaroon ng kamalayan at sapat na kaalaman sa mga pangyayari sa ating bansa at mga ipinapatupad na batas.
Ipagpapatuloy nang ating Pambansang Pulisya na suportahan at gabayan ang mga Kabataan kaya naman sila ay nararapat na mabigyan ng tamang pangaral, kaalaman at disiplina upang sa susunod na henerasyon sila ay magpapatuloy sa mga aktibidad, programa at adhikain na nasimulan sa kasalukuyan.