Advocacy Support Group, nakilahok sa Community Outreach Program sa Negros Occidental 

Nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangy Chambery, Manapla, Negros Occidental nito lamang ika-27 ng Hulyo 2024.

Ito inisyatiba ng mga tauhan ng Manapla Municipal Police Station na pinangunahan ni Police Captain Marion Vicente Buenaflor, Deputy Chief of Police, kasama ang Ma apla Golden Salakot Eagles Club, at lokal na pamahalaan ng Manapla. 

Ang grupo ay nagbigay ng dagdag kaalaman sa mga residente hinggil sa Anti-Illegal Drugs, Anti-Terrorism, mga tips upang makaiwas sa krimen at hinikayat ang lahat na patuloy na makiisa at makilahok sa mga hakbangin ng ating gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad.

Parte rin ng programa ang pamamahagi ng mga gamit sa paaralan na makakayulong sa mga kabataan na nagbalik eskwela. 

Ipinakita ng grupo ang patuloy na dedikasyon sa paglilingkod at ipadama ang malasakit at tulong sa bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *