BPATs at KKDAT, lumahok sa School Visitation
Lumahok ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATS) at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) katuwang ang mga tauhan ng Jabonga Municipal Police Station Bureau of Fire Protection (BFP), at Barangay Health Workers (BHW) sa isinagawang School Visitation at pamamahagi ng POSPAS sa mga mag-aaral, magulang, at guro sa unang araw ng klase para sa S.Y 2024-2025 na ginanap sa Jabonga Central Elementary School, Barangay Poblacion, Jabonga, Agusan del Norte noong Hulyo 29, 2024 bandang 7:00 ng umaga.
Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, mas napalapit sa adbokasiya ng kapayapaan at kaligtasan ang mga kabataan.
Ang presensya naman ng PNP at BPATs ay nagbigay ng karagdagang kapanatagan sa mga magulang at guro na naghatid ng mga mag-aaral sa paaralan.
Ang pagsasanib-puwersa ng KKDAT at BPATs ay nagpakita ng matibay na ugnayan ng iba’t ibang sektor ng komunidad para sa iisang layunin– ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.
Ang pagtutulungan ay nagdudulot ng positibong epekto sa komunidad, lalo na sa mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan. Ang PNP, KKDAT, BPATs, at iba pang katuwang na ahensya ay patuloy na magsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa lahat ng sulok ng komunidad.