BPATs, Sumailalim sa Skills Enhancement Training sa Leyte

Sumailalim sa Skills Enhancement Training na ginanap sa Dulag Cultural Center, Barangay Buntay, Dulag, Leyte nito lamang Hulyo 26-27, 2024 ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Actions Team (BPATs) ng naturang barangay.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Dulag sa pamumuno ni Municipal Mayor Mildred Joy Que; katuwang niya ang mga tauhan ng Dulag Municipal Police Station, DILG Dulag, samahan ng mga Kapitan ng Barangay, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRMMO) at Bureau of Fire Protection.

Tinalakay sa nasabing pagsasanay ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga kalahok bilang mga force multipliers.

Layunin nito na mapahusay ang kanilang operational skills bilang mga first responder kapag may nangyaring krimen o insidente sa kani-kanilang nasasakupan. 

Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpahiwatig ang grupo ng kanilang dedikasyon na magampanan ang kanilang tungkulin at maipaabot sa publiko ang mga serbisyong magbibigay ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *