Awareness Lecture ng Aurora PNP, muling umarangkada

Patuloy ang pag-arangkada ng Awareness Lecture ng mga tauhan ng Baler Police Station sa mga Senior High School students ng Mount Carmel College-Baler sa 3rd floor, Baler MPS Building, Barangay Suklayin, Baler, Aurora nito lamang Lunes, ika-3 ng Hunyo 2024.

Naging matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Eduardo S Mendoza Jr, Chief of Police.

Binigyan ng kaalaman ang mga estudyante patungkol sa BIDA Program, NTF-ELCAC o Anti-Terrorism, VAWC, Safe Spaces Act at Anti-Rape Law.

Nilalayon ng aktibidad na ito na maturuan at mabigyan ng kaalaman ang mga estudyante at dagdagan ang kanilang kamalayan laban sa ilegal na droga, ang laganap na panlilinlang ng mga CTGs sa pamamagitan ng pagtuturo ng maling ideolohiya na sumusuporta sa armadong pag-aalsa laban sa gobyerno, at palakasin ang komunidad upang suportahan ang Gender Sensitivity at kondenahin ang pang-aabuso sa kababaihan at mga bata.

Panulat ni Janice M Bulahao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *