Drug Awareness Lecture, muling umarangkada sa Batangas II National High School

0
453365890_532137632580833_1377033109217618972_n

Patuloy na umaarangkada ang Awareness Lecture ng mga tauhan ng Mariveles Municipal Police Station sa mga estudyante ng Batangas II, Mariveles, Bataan nito lamang Lunes, ika-29 ng Hulyo 2024.

Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Dennis R Orbista, Chief of Police ng Mariveles MPS.

Binigyan ng kaalaman ang mga estudyante patungkol sa Anti-Illegal Drugs na naglalayon na maturuan at mabigyan ng komprehensibong pag-unawa at masigurong ang mga estudyante ay may sapat na kaalaman at kasanayan upang maiwasan ang paggamit ng droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *